Obando lubog pa rin sa tubig-baha

LUBOG pa rin sa tubig-baha ang bayan ng Obando sa lalawigan ng Bulacan at patuloy na nagsasagawa ng relief operations ang mga boluntaryo at kinauukulan sa naturang lugar.

Ayon kay  Obando, Bulacan Mayor Orencio Gabriel, kung hindi maaayos ang nasirang dike, aabutin ng taon ang tubig-baha sa kanilang lugar.

Nasira ang 6-kilometer na dike sa Bulacan noong kasagsagan ng bagyong Pedring.

Dahil dito, walang puknat ang isinasagawang relief operations ang Eco-Shield Development Corporation sa Obando, Bulacan na labis na sinalanta ng kalamidad.

Apat na trak na punung-puno ng mga relief goods ang ipinamudmod ng grupo sa mga residente sa Obando.

Katuwang nila sa pamamahagi ng relief goods ang mga reservist ng Philippine Army sa pangunguna ni Lt. Col. Ferdinand Santos.

Sa kabuuan, naging matagumpay ang isinagawang relief operations sa naturang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply