Oconer wagi sa Stage 5 ng cycling race

PUMANGALAWA na sa team standing ng 2011 LBC Ronda Pilipinas ang batang si George Oconer ng Phl under-23 team nang magpakita ng impresibong panalo sa Batangas-Tagaytay City stages 5 Sabado ng hapon.

Isinalampak ni Oconer, anak ni 1992 Barcelona (Spain) Olympian Norberto Oconer ang stage 4 winner na si Irish Valenzuela sa final stretch sa pagrerehistro ng 1 oras,

24 minuto, 9.6 segundo sa 59.7 kilometrong distansya.

Napanatili naman ni Jose Calderon ang Red Jersey tanda ng pangunguna sa karera ng bisikleta ng isalya nya ang 1:24:21.9 tiyempo na 12 segundong abante kay Oconer.

Dumating na segunda si Valenzuela, tersera puwesto si Baler Ravina ng East Pangasinan.

Pumasok na pangatlo si Valenzuela habang nakabuntot ang American Vinyl Cyclist na si Rudy Roque.

Aarangkada ang LBC Ronda stage 6 na magsisimula sa Quezon City Circle at magtatapos sa Tarlac City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply