October 31, idineklarang special non working day

SPECIAL non-working day ang October 31, 2011 ayon sa pagdedeklara ng Malakanyang ayon na rin sa nakapaloob sa Proclamation No. 150.

Ayon kay Presidential spokesperson Edwin Lacierda, ito ay upang bigyan ng mahabang panahon ang mamamayan para madalaw ang kani-kanilang yumaong mga mahal sa buhay.

Ang October 31 (Lunes) ay ipit sa Linggo (Oct. 30) at Martes (Nov.1) kaya minabuti ng Pangulong Benigno Aquino III na ideklarang special non-working holiday.

Bagamat sa Nobyembre 2 pa ang araw ng mga patay, kadalasan ang mga Pilipinong Katoliko ay Nobyembre 1 pa lamang ay bumibisita na sa mga sementeryo.

Ang November 1 ay nananatili namang regular holiday kaya double pay sa mga papasok sa kani-kanilang mga trabaho.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply