Remittances ng OFW dumoble

LUMAGO nang doble ang remittances ng overseas Filipino workers (OFW) para sa buwan ng Agusto, sa kabila ng naranasang krisis sa Europe at Amerika.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nagtala ng 11.1 percent growth ang dollar remittances ng mga OFWs kung saan umabot na sa $1.7 billion.

Kabilang sa mga lugar na pangunahing pinagmulan ng remittances ay United States, Canada, Saudi Arabia, UK, Japan, United Arab  Emirates, Singapore, Italy, Germany at Norway.

Dahil dito, tiwala naman ang BSP na manatiling stable ang remitttances mula sa mga Filipino workers sa labas ng bansa, batay

na rin sa datus mula sa Philippine Overseas Employment Administration.

Sinasabing mula Enero hanggang Agusto, naitala ang 8.6 percent increase sa mga processed job orders ng overseas Filipino workers.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply