Oh hayan! Manang Cristy!: Mga Kapamilya star nag-renew ng kani-kanilang kontrata

PORKE lumipat lang sa TV5 itong si Mariel Rodriguez at makakasama na ito sa show ng milking cow raw ni Manang Cristy Fermin na si Willie Revillame, hayan at pana’y na naman ang sulat nito sa kanyang mga kolum na may mga Kapamilya star na naman daw na nagpaplanong lumipat sa mother network nilang TV5.

Kunwa-kunwari may impormante pa raw itong Oslang TV host na nagbigay raw ng info sa kanya na may maling sistema sa pamamalakad ng ABS-CBN kaya’t naglilipatan na ang kanilang mga talent.

At kapag nagsalita raw itong si Mariel Rodriguez sa totoong dahilan sa kanyang pag-oober da bakod sa Kapatid network ay tiyak na sampal daw ito sa istasyon.

Talaga lang ha? Ano naman kaya aber ang sasabihin ni Mariel? Hay naku! Kaysa i-brainwashing mo si Mariel, asikasuhin mo na lang ang mga shows mo riyan na isa-isa na raw matitigbak!

Saka for your information just recently lang ay nag-renew na ng kanilang kontrata sa ABS-CBN ang madalas mong isulat na lilipat rin sa inyo na si Pokwang. At ilan pa sa mga nakasama ni Pokie sa renewals ng contract ay sina Gerald Anderson, Kim Chiu, Erich Gonzales, Shaina Magdayao, Enchong Dee etc.

By the way, ang inaantay na lang ngayon sa mga kolum mo Manang Cristy na isulat mo ay lilipat na rin sa inyo ang Presidente ng ABS-CBN na si Ma’am Charo Santos at ng tuluyan ka nang mawalan nang krediblidad!
Meron pa ba? Just asking lang gyud!

***

Pagmamahalan nina Erich Gonzales, Enchong Dee wala nang makahahadlang pa!

ANO mang pagko-contravida ang gawin ng Mommy si Victoria Montenegro Dela Vega (Angel Aquino) para hadlangan ang pag-ibig niya kay Maria (Erich Gonzales) ay hindi na papipigil pa itong si Luis (Enchong Dee) para mahalin nang tuluyan ang kasintahang si Maria.

Pero papaano kapag nabulgar na ni Victoria ang relasyon nila di kaya paglayuin na sila nito lalo pa’t hindi nito tanggap si Maria sa kanilang pamilya?

Samantala, kahit ang kapatid ni Luis na si Aaron Villaflor ay hindi rin pabor pala kay Maria kaya’t minamaliit niya ang pagkatao nito. Pero pinagsabihan na siya ni Luis na huwag insultuhin ang babaeng minamahal bagkus ay igalang niya ito.

Si Victoria, nadiskubreng buhay pala ang Nanay ni Maria na si Sandra played by Assunta de Rossi at hindi ito namatay nang ipasunog niya ang bahay ng mga ito. Nangagamoy komprontasisyon na naman sa pagitan ng dalawang ito lalo pa’t inagawan niya si Sandra ng pagmamahal kay Fernando (Ian Veneracion). At hindi rin siyempre papayag si Sandra na basta api-apihin na lang ni Victoria ang anak na si Maria. Masuwerte rin itong si Maria at sa kabila ng mga naranasang hirap at pagsubok ay marami ang nagmamahal sa kanya at isa na nga riyan ang tunay na nagmamahal sa kanyang si Luis Dela Vega.

Lahat ng ‘yan at ang iba pang mga tagpo ay inyong mapanonood sa top-rater teleserye na Maria La Del Barrio, Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Primetime Bida bago mag-TV Patrol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply