Okay lang kay Arnelli ang demotion

NAGKAROON ng mga negative feedback ang maikling “exposure” ni Arnell Ignacio sa anniversary presentation ng “Will Time, Big Time” na ginanap sa Smart Araneta Coliseum nung Sabado ng gabi (October 22). Nagmistulang “jester” daw kasi si Arnelli, na ayon sa ibang naroon ay hindi bumagay sa status nya, komo’t isa na siyang beteranong stand-up comedian kung ikukumpara sa mga regular jester ng show.

“Pinababa ng tv host-comedian sa level one ang kanyang sarili,” blind-item na puna kay Arnelli ng isang kasamahan sa panulat. Hindi kami invited sa nasabing anniversary presentation ng show, kaya hindi namin nakita ang pangyayari. Hindi rin namin alam kung “on-cam” ang eksena ni Arnelli o iyun ay “off-cam” na kadalasang ginagawa ng mga nameless jester habang commercial break upang di mainip ang audience. Sorry to say, hindi kami nakakapanood ng lahat ng show ng TV5, dahil walang cable ang aming TV. Hahaha!

Nalaman na lang namin ito nang tumawag sa amin si Richard Pinlac during the show, at dismayado siyang kinuwento ang eksena ni Arnelli, kasama ang dalawang jester ng programa. kaibigan namin ni Richard si Arnelli, kaya may halong concern ang tsinika nya sa phone. “Nakakaloka si Arnell, andito siya sa show, jester siya. Parang nagbago na siya ng career… ka-level na niya mga jester ng show!” tili ni Pinlac over the phone.

FYI, magkasama sina Arnelli at Willie Revillame sa TV5, as in, magkapatid na sila sa network. May radio show si Arnell sa Radyo 5 tuwing madaling-araw. Kalabisan nang sabihin pa na may pagkakataon na nagkakasalubong ng landas ang dalawa sa naturang network. Dito nga raw nangyari yung personal na inimbita ni Willie si Arnell, na pumasyal sa anniversary show, sabihan siyang “mag-abot ka ng pera sa audience.”

“Maayos naman akong inimbita ni Willie na dumalo sa show, kaya sino ba ako para tumanggi sa gayung paanyaya,” bungad na paliwanag ni Arnelli tungkol sa naturang “ka-cheapan” nya sa show ni Willie. “Nakita ko naman kay willie na sincere ang imbitasyon nya sa akin, at mukhang nagbago na ang dating maangas niyang ugali, so, sabi ko, sige, walang problema.

“Hindi naman yun masasabing naging jester ako, nagkataon lang na nasa audience ako, tapos in-acknowledge ako nina Jeff during break, at dun na ako umakyat. May papel talaga ako dun, mag-aabot ng pera.

“Ganito na lang, Ernie,” sabi ni Arnelli nang makausap namin sa phone kinabukasan. “Sabihin mo, hindi ko pinababa ang level ko bilang jester sa pagkakataong yun, on the contrary, pinataas ko ang level ng mga jester. Hahahaha!” makahulugang halakhak ng tv host host-comedian.

***

MEET: XHAI KANEMATSU... isa na namang nilalang ang tila naakit sa magulong mundo ng showbiz, at gusto nitong makipagsapalaran, kahit aware siya na marami rito ang nabibigo sa una pa lang nilang pagtatangka. Ang tinutukoy namin ay si Sayuri Ramos Kanematsu, na gustong makilala sa showbiz bilang si Xhai Kanematsu. Isang Kabalen ang ina ni Xhai, si Carmen Ramos, at isang Japanese national naman ang kanyang ama.

Xhai is 20 years old at mayroon na siyang maipagmamalaking experiences upang maging pasaporte niya sa showbiz, and eventually, makasama niya sa isang proyekto ang kanyang paboritong si Coco Martin. Nakagawa na siya ng music video, naging model na siya ng ilang car show sa Japan, sumali sa WNCAA Cheering Competition, at higit sa lahat nakapag-acting workshop na siya sa ABS-CBN. Magaling din sa belly dancing at hip-hop ang dalaga, na may height na akma sa kanyang figure, 5’3″ Abangan nyo ang pagpapaimbulog ni Xhai Kanematsu sa mundo ng showbiz.

***

ISANG MALAKING event ang magaganap ngayong Huwebes, Oct 27, sa pamosong The Library ni Mamu Andrew de Real, kaugnay sa kaarawan ng isang kaibigan sa showbiz, si Leklek Tumalad of Asia. Ito ay ang “Scorpion Night, Fashion Revue.”

Mahigit 30 male and female models ang rarampa sa entablado para sa kasiyahan ng mga imbitadong kaibigan ni Leklek. Wag natin ito malampasin, kapatid na Pete, dahil maraming sorpresa raw ang magaganap sa gabing ito. Sorpresa na siyempre pa ay ikatutuwa natin at hindi ikaiinis sa kanya. Hahahaha!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply