Okay na ba sa simbahan ang maraming bastardong anak?

MARAMI nga palang nagtataka kung okey na sa Catholic Church na magkaanak sa iba’t ibang babae nang walang bendisyon ng kasal at kung okey na rin na maniwala sa mga agimat at anting-anting.

Siguro raw ay okey na sa Simbahan na magkaroon ng maraming bastardong anak kesa gumamit ng condom o pills para di magkaanak. Kasi nga ay binigyan ng Catholic Mass Media Awards ng Lifetime Achievement Award ang dating aktor-producer na si Ramon Revilla Sr., ang tinaguriang King of Agimat Movies.

Pero di ba ipinagbabawal ng Simbahan ang paniniwala sa mga agimat at anting-anting? Okey lang sa Simbahan na maniwala sa mga mapaghimalang mga imahen at medalyon ng Birhen at ng mga santo pero di sa mga anting-anting.

May mga nagsasabi rin na sa lifetime ni Lolo Ramon, di lang ang paggawa ng pelikula ang inatupag n’ya kundi pati na ang mang-asawa ng kung sinu-sinong babae at magkaanak ng mga bastardo at bastarda sa mga babaeng yon na masasabi umanong may kwestyunableng moralidad.

Kasama raw kaya sa pinaparangalan ng Simbahan ang pambubuntis ni Lolo Ramon ng sanrekwang babae at pagkakaroon ng santambak na mg bastardong anak?

Ang paninindigan po ng Simbahan ang kinukwestyon ng mga mapag-analisa at hindi ang achievements ni Ramon Revilla Sr. bilang actor, producer, at tagapagpalahi ng magaganda at guwapong bastardo at bastarda.

May mga nagsasabi rin nga pala na may balak siguro ang Catholic Church na kunin si Lolo Ramon bilang endorser ng anti-RH Bill dahil nga naging napakalusog ng reproducive system ng dating senador nung kabataan n’ya–na ang ebidensya nga ay ang pagkakaroon n’ya ng napakaraming bastardong anak.

Samantala, siguro naman ay ang kakayahan lang ni Ramon Revilla Sr. bilang aktor, producer, at senador ang sinusundan ni Ramon “Bong” Revilla Jr. –hindi pati ang pagpaparami ng mga di-lehitimong anak sa kung kani-kaninong babae.

Masama ba ang pagiging di-lehitimong anak?

Parang hindi naman, kaya nga siguro parang hindi na ikinukundena ng Simbahan ang pagkakaroon ng sanrekwang bastardong supling sa mga kerida ng mga magagaling na lalaking gaya ni Ramon Revilla Sr. Marami sa showbiz idols natin, pati na political leaders natin, ay mga bastardo at bastarda. Mga anak sila ng mga kerida, mga babaeng di kasal sa ama ng mga anak nila.

Marami pong mga bastardo at bastarda sa ating bansa ang matatalino, magaganda, guwapo, at super-talented. Mabuhay ang mga bastardo at bastarda sa bansang ito na nag-iisang Kristyano sa Silangan! Mabuhay din ang mga di-lehitimong ama at ina sa napakapalad na bansang ito.

Parang tinatanggap na rin ngayon sa Catholic schools ang mga batang di-lehitimo. Dati nga ay ni ayaw binyagan ng mga pari ang mga sanggol na di lehitimo, pero ngayon, basta may pambayad ang mga ninong at ninang, binibinyagan na ng mga pari ang kahit sinong sanggol.

Hindi na rin hinahapan ng mga pari ng marriage license ang ina at ama ng mga batang binibinyagan nila.

Mabuhay ang mababait na pari! Mabuhay ang mautak na Simbahan!

***

NATAPOS na rin sa wakas ang Entertainment Press Society (o Enpress) sa pagri-review para sa aming revived Golden Screeen Awards for Television. Nadetermina na rin namin ang mga nominado sa lagpas sa 40 kategorya. Opo, ganu’ng karami ang kategorya dahil ganu’n ka-varied ang klase ng mga programa sa Philippine television. Mas varied ang palabas sa TV kesa sa mga sinehan, kaya sana naman ay hindi kayo stuck sa panonood lang ng mga teleserye.

Nadiskubre naming ang dami palang matatawag na “socio-cultural shows” sa GMA News na very entertaining ang presentation. May historical shows din sila na kagigiliwan kahit na ng mga kabataan. Ang mahilig ru’n sa historical documentaries ay si Howie Severino. Ang GMA News lang yata ang may newscast na panay good and happy news lang ang ipinapalabas, at ang anchor nu’n ay si Vicky Morales.

Anytime now, iri-release ni Ricky Calderon, chairman ng Golden Screen Awards for Television, ang official list of nominees. As a teaser, we can let you know na 12 ang finalists sa kategoryang Best Actress in a Drama Series. Yun ang kategoryang may pinakamaraming nominees. Kasi naman ay 36 ang pinagpilian sa kategoryang yon. Apat sa 12 ay sina Angel Locsin, Marian Rivera, Susan Roces at Lorna Tolentino. Hulaan n’yo na lamang muna kung sinu-sino pa yung walo. A few days from today, iri-reveal namin sa inyo yung walo pa. Sa November 29 pa naman gaganapin sa Teatrino sa Greenhills ang Golden Screen Awards for Television.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply