Oktubre 17 idineklarang special non-working holiday sa Sorsogon

KAUGNAY sa paggunita sa ika-117 taon pagkakatatag ng Sorsogon bilang hiwalay na lalawigan sa Albay, idineklarang non-special working holiday ng pamahalaang lokal ng lalawigan ang araw ng Lunes (Oktubre 17).

Sa bisa ng ipinalabas na Executive order No. 013 series of 2011 ni Sorsogon Governor Raul Lee, idineklarang walang pasok ang mga paaralan at lahat ng tanggapan sa lalawigan ng Sorsogon upang bigyang-daan ang mga ito na makalahok sa mga gagawing aktibidad.

Nakasaad sa mandato ng Republic Act 7380 na bawat taon ay magiging special holiday ang Oktubre 17 upang maipagdiwang ang kasarinlan ng Sorsogon.

Kabilang sa mga tampok na aktibidad sa Lunes ay ang Historic-Cultural Parade na lalahukan ng 14 na bayan at isang lungsod ng Sorsogon.

Inaabangan na rin ngayon ang gagawing parada ng Ms. “K” Festival Costume na gagawin sa Balogo Sports Complex.

Idinaos ang kauna-unahang Kasanggayahan Festival noong 1974 sa ilalim ng panunungkulan ni dating Gobernador Juan G. Frivaldo, pansamantalang natigil at muling binuhay noong 1994 kasabay ng selebrasyon ng sentenaryo ng lalawigan ng Sorsogon at nagpapatuloy hanggang sa ngayon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply