Ombudsman magbabawas ng mga kaso

MAS malamang na bitiwan na ng Office of the Ombudsman ang malaliliit na kaso na nakasampa sa ahensiya, lalo na ang mga walang kinalaman sa korapsyon.

Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, hindi na rin nila pakikialaman ang mga walang-katuturang kaso at mga kasong walang kinalaman sa opisina.

Gayunman, sinabi ni Morales na hindi naman sa binabale-wala ng Ombudsman ang maliliit na kaso kundi ililipat na lamang ito sa mga sangay ng gobyerno na mayroong memoranda of agreement o understanding ang Ombudsman, gaya ng sa Civil Service Commission at Department of Justice.

Kasabay nito, inilatag din ni Morales ang pagkakaroon ng rationalization sa istraktura ng Tanggapan ng Ombudsman.

Ayon kay Morales, naghahanap na ng 100 bagong abogado para lalong mapabilis ang pagresolba sa 11,000 kasong nakabinbin sa Tanggapan ng Ombudsman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply