Ombudsman Morales sa media: ‘Wag matakot’

MUKHA lang aniya siyang masungit at istrikto.

Ito ang inihingi ng paumanhin sa media ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Kanina, sa kauna-unahang pagkakataon ay humarap sa media si Morales para idetalye ang “8-point agenda” ng kanyang tanggapan.

Pero pagkatapos ng kanyang talumpati, nagdalawang isip ang maraming mamamahayag na magbato ng katanungan sa dating mahistrado ng Supreme Court dahil sa pagkailang.

Pero makaraang magbiro ay nakuha rin ng Ombudsman ang loob ng media.

Ayon kay Morales, likas na umano ang kanyang “stronger personality” bilang isang Ilocana, pero itinanggi niyang isa siyang masungit.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply