Ombudsman Morales uunahin ang kaso ni FG

IPINAHAYAG ngayon ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na bibigyan niya ng prayoridad ang mga high profile corruption case na isinampa sa kaniyang tanggapan kabilang na ang mga kaso laban sa mga Arroyo.

Sinabi ni Carpio-Morales, bumuo na siya ng fact finding team na tututok sa rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na magsampa ng kasong katiwalian laban sa mga sangkot sa maanomalyang pagbili ng Philippine National Police (PNP) ng segunda-manong helicopter.

Binigyan lamang ni Carpio-Morales ng pitong araw ang fact finding team para talakayin ang anomalyang kinasasangkutan nina dating First Gentleman Miguel “Mike” Arroyo, dating Interior Secretary Ronaldo Puno, dating PNP Chief Jesus Versoza at 16 iba pa.

Umaasa si Morales na sa darating na Biyernes (21) ay hawak na niya ang resulta ng imbestigasyon.

Bukod sa high profile cases. tututukan din niya ang pagpapa-ibayo sa transparency at kredibilidad ng ahensya gayundin ang pagkakaroon ng zero backlog sa mga hinahawakang kaso na umaabot na ngayon sa 11, 000.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply