One-stop shop itatayo ng BI sa Camiguin Island

ITATAYO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang booth sa Camiguin Island kasabay ng pagdiriwang ng taunang Lanzones Festival sa susunod na linggo.

Sinabi ni Immigration Commissioner Ricardo David na isang team ng Immigration officials ang magtutungo ng Camiguin para sa pagtatayo ng booth na magsisilbing one-stop shop para sa mga dayuhang turista na bibisita sa isla sa pagdiriwang ng Lanzones Festival.

Bukod sa pagbibigay ng Visa extension services, sasagutin din ng one-stop shop ang mga tanong ng mga dayuhang turista at magpapakalat din ng impormasyon kaugnay sa iba pang mga serbisyong ipinagkakaloob ng kawanihan sa mga dayuhang bumibisita sa bansa.

Bukod sa Camiguin Island, pinag-aaralan na rin ng Immigration ang pagtatayo ng one-stop shop sa iba pang lugar sa bansa na nagdiriwang ng kanilang annual festivities upang makahikayat pa ng mas maraming dayuhang turista. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply