Ongpin kinampihan ng ex-DBP chief

PINABULAANAN ng dating presidente ng Development Bank of the Philippines (DBP) na nagkaroon ng katiwalian sa pagbibigay ng P660 milyong pautang kay Roberto Ongpin, kilalang kaalyado ni dating first gentleman Mike Arroyo.

Sa kanyang pagharap sa ginanap na pagdinig ng Senado nitong Biyernes, sinabi ni dating DBP president Reynaldo David na naibigay kay Ongpin ang pautang alinsunod sa patakaran ng bangko at alituntunin na sinusunod sa proseso ng pagpapautang.

“During my tern in DBP, all financial transaction of the bank were properly evaluated and studied and recommended and approved,” ayon kay David.

Sinabi pa ni David na walang katotohanan ang paratang ng kasalukuyang administrasyon sa DBP na walang nailagak na kolateral ang kompanya ni Ongpin, ang Delta Ventures Resources Inc., upang mapangalagaan na mababayaran ang uutangin.

“During the approval of the first and second loan amounting to P150 million and P550 million respectively, records shows that DVRIS network was three times of the total amount of the loan,” ayon kay David.

Aniya, naglagak ang DVRI ng mahigit P1.2 bilyong halaga ng sapi ng naturang kompanya sa sapi nito sa PhilWeb at Philex Mining Corporation na mas higit na mas malaki nang tatlong ulit sa halaga ng inuutang nito sa bangko na nagkakahalagang P660 milyon.

“PhilWeb shares and Philex shares was owned by DVRI and was pledge for the loan, and at the time of the loan, amount of the pledge was 2.7 times of the total amount of the loan,” paliwanag ni David.

“P1.8 billioin worth of shares covered the loan,” dagdag pa ni David.

Nauna nang inihayag ni Commission on Audit (COA) Chairman Ma. Gracia Pulido-Tan na walang kolateral ang DVRI sa pagkuha ng pautang nang ilang araw dahil naipalabas ng DBP ang Philex shares upang maibenta ng kompanya ni Ongpin ang naturang sapi sa Two Rivers, isang kaalyadong kompanya ng First Pacific Inc., na pag-aari ni Manuel V. Pangilinan.

Ngunit, sinabi pa ni Solicitor-General Jose Anselmo Cadiz na “under collateralized ang pautang at nilabag nito ang Memorandum Circular No. 61 na ipinalabas hinggil sa depinisyon ng behest loans na ibinibigay sa pribadong kompanya ng bangko ng gobyerno.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply