Online voting sa OFWs oks sa Comelec

PABOR ang Commission on Elections (Comelec) sa isinusulong na online polls para sa Overseas Absentee Voting (OAV).

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, mas praktikal ito para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na karaniwang nakatira ng malayo sa mga itinalagang voting center.

Naniniwala ang Comelec na magiging malaking tulong ito para mapataas ang voters turnout sa OAV.

May ilan kasi aniya na tinatamad na bumiyahe para bomoto dahil sa layo ng kailangang lalakbayin.

Sinabi ni Jimenez na nasubukan na ito noong 2007 at naging matagumpay naman ang isinagawang testing.

Ipinaliwanag ng Comelec official na wala ring dapat ikabahala para sa security ng mga boto dahil bawat isang botante ay bibigyan ng eksklusibong pin number na siya lamang ang nakakaalam.

Bukod dito, ang nasabing pin number ay isang ulit lamang maaaring gamitin kaya wala pa ring tiyansa na makapandaya.

Gayunpaman, sinabi ni Jimenez na kinakailangan ng batas para maisakatuparan ito at kung sakali ay kayang-kaya pa aniyang ihabol sa 2013 midterm elections.

Una nang napaulat na pinag-aaralan sa mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang internet absentee voting upang mapataas ang bilang ng mga OFW na bomoboto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply