Operasyon ng MRT Line 3 sinuspinde

SINUSPINDE kaninang umaga ang operasyon ng Manila Metro Rail Transit (MRT) Line 3 dahil sa power failure.

Ayona kay LRTA spokesperson Hernando Cabrera, natigil ang operasyon ng tren dahil na rin naapektuhan ang automatic signaling system ng MRT Line 3.

Ang anunsiyo ai ginawa ni Cabrera sa kanyang twitter account.

“Technicians [are] working double time to bring back to operational status the MRT 3 signaling system,” ayon kay Cabrera.

Hindi naman sinabi ni Cabrera kung kailan maibabalik ang operasyon.

Samantala, sinabi ni MRT 3 General Manager Honorio Vitasa na hindi magtatagal ang pagtigil sa operasyoin ng tren. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply