Opisyal ng barko natodas sa bagok sa Tondo

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Manila Police District (MPD) ang pagkamatay ng 55-anyos na opisyal ng barko na natagpuang patay sa loob ng isang nakadaong na barko sa Tondo, Maynila iniulat ngayon.

Hinihinalang may ilang oras nang patay ang biktimang si Normax Ovivir, Second Mate ng Ocean Mighty Container Vessel ng Oceanic Container Lines Incorporated  sa 511 H. Lopez Blvd., Balut, Tondo

Sa report ni  SPO1 Giovanni Valera ng Manila Police District (MPD)-homicide section, 3:00 ng madaling-araw kanina nang natagpuang  patay ang biktima sa likurang bahagi ng nakadaong sa Pier 14, North Harbor, Tondo.

Ayon sa isang Richard Leal, nagtungo siya sa likurang bahagi ng barko nang napansin na nakahandusay ang biktima sa nasabing lugar.

Agad namang inireport  ni Leal ang natuklasan sa kapitan ng barko at sa radio officer 3rd mate na si Dionisio Fuego Jr ., na siya namang tumawag ng rescue.

Paniwala ng kasamahan ng biktima na nadulas ang biktima sa isang basa na sahig na bakal at nawalan ng malay matapos mabagok ang ulo, gayunman, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kung may foul play sa insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply