Opisyal ng PDEA, magaling na boksingero

“BUKOD pala sa PIO chief ng Philippine Drug Enforcement Agency ay isinusuka  rin ng mga operatiba nito ang hepe ng PDEA-Metro Manila Regional Office (MMRO) na si dating Army General Pedrito Magsino, dahil sa pagiging “boksingero” nito.

Sinasabi ng mga taga PDEA na ito palang hepe ng MMRO na ngayon ay may bago ng pangalan na Regional Office-National Capital Region (RO-NCR) ay magaling daw na boksingero.

Bukod pala sa magaling na boksingero itong si  Ret. Gen. Magsino, ay ito rin ang supply officer at controller ng kanyang unit.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng Lily’s Files, kontrolado umano nitong si Ret. Gen. Magsino ang pondo ng PDEA-RONCR  at dahil sa pagiging boksingero nito ay walang nagagawang trabaho ang mga operatiba dahil ayaw daw maglabas ng pera ang kanilang hepe.

Hindi lang ang pagiging finance officer ng hepe ng  RO-NCR ang inirereklamo ng mga operatiba kundi ang pagiging supply officer din nito,

Saan ka naman nakakita na dala-dala  ng hepe ang lahat ng susi ng kanilang sasakyan, sa PDEA lang at kay Ret. Gen. Magsino mo lang ito makikita, only in PDEA ika nga.
Pambihira talaga, iba ka ta-laga Ret. Gen. Magsino, nag iisa ka lang na ganyan at sana lang ay huwag kang pamarisan ng iba nating opisyal.

May suggestion ang ilang mga  taga PDEA: bakit daw hindi mo na lang iuwi sa inyo ang mga sasakyan na naka assign sa RO-NCR para sa ganun ay hindi ka na mag-i sip kung nasaan ang mga susi nito.

Kaya pala wala pang search warrant na nakukuha ang RO-NCR dahil papaano nga naman lalakad ang iyong mga operatiba kung wala man lang silang panggastos at walang magamit na sasakyan.

Minsan daw ay nag courtesy call itong si Ret. Gen. Magsino sa mga Mayor ng Antipolo at Taytay noong nakaraang Linggo.

Pagkatapos daw ng courtesy call ay dali-dali raw nitong niyaya ang kanyang mga escort at body guard na umalis at doon na lang daw kumain ng pananghalian  sa  kanilang tanggapan sa Quezon City-PDEA.

Mas mabuting  tanggalin na lang ang inutil na ahenssiyang ito. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply