Opisyal ng PNP na may mataas na crime rate, sisibakin

MALAMANG na masibak sa puwesto ang isang opisyal ng Philippine National Police na mapatutunayang may mataas na crime rate ang lugar na pinangangasiwaan.

Sinimulan na ng pamunuan ng PNP ang evaluation sa performance ng kanilang mga opisyal para mabatid kung ipinatutupad ang mga alituntunin para sa crime prevention.

Ayon kay PNP spokesperson chief Suprintendent Agrimero Cruz, Jr., nakabase sa crime rate ng nasasakupan ng isang opisyal kung masisibak ito o hindi sa kanyang puwestong nasasakupan.

Bukod sa crime rate, susuriin din ang mga crime prevention activities na ipinatutupad ng mga opisyal ng PNP at kung tama ang pagresolba sa mga kasong nangyayari sa kanilang nasasakupan.

Malaking puntos sa evaluation ng mga pulis ang kanilang performance ngayong papalapit ang Undas at pagpasok ng holiday season kung kailan tumataas ang crime rate.

Dagdag pa ni Cruz, unang bugso pa lamang ng 2012 ay ikakasa na nila ang pagsasala sa mga opisyal ng PNP.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply