Oral sex sanhi ng mouth at throat cancer

KUNG noon ay paninigarilyo at pag-inom ng alak ang pangunahing sanhi ng oropharyngeal cancer o mouth at throat cancer, lumalabas ngayon sa panibagong pag-aaral na ang oral sex na ang nangungunang sanhi ng nasabing sakit.

Sa Amerika, mas marami ang throat and mouth cancer na ang dahilan ay ang human papillomavirus (HPV).

Simula 1998 ay natriple ang kaso ng HPV-related oral cancer at bawat taon ay 10,000 panibagong kaso ng mouth at throat cancer ang naitatala.

Pero ang kakaiba ay mayorya ng mga biktima ng nasabing kanser na ang sanhi ay HPV ay mga lalaki.

Simula naman ng bumaba ang kaso ng paninigarilyo sa Amerika, bumaba rin ang mga kaso ng mouth and throat cancer na ang sanhi ay smoking.

Ayon sa author ng pag-aaral na si Dr. Maura Gillison, ang mga taong may anim o mas maraming sex partners at nagsasagawa ng unprotected oral sex ay walong beses na mas mataas ang tiyansa na magkaroon ng throat and mouth cancer na sanhi ng HPV kung ikumpara sa mga hindi gumagawa ng oral sex.

Patuloy namang pinag-aaralan ang katiyakan ng nasabing pag-aaral.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply