Orcollo, Biado nanguna agad sa BSCP National Pool Championships

TILA buhawi sina Billiard stars Dennis Orcollo at Carlo Biado matapos magposte ng importanteng panalo sa pagbubukas ng 2011 BSCP National Pool Championships na ginaganap sa Star Billiards Center sa Quezon City.

Kahapon, ang top player ng Bugsy Promotions na si Orcollo, kilala sa tawag na “Robocop,” ay nakaungos kontra kay veteran campaigner Edgar Acaba, 8-7, habang nagwagi naman si fellow Bugsy bet Biado kay John Salazar, 8-7.

Si Acaba, na nanguna muna sa laro ay nakaabot sa 7-all at may golden opportunity pa sa posibleng upset win sa 15th at final rack.

Subalit nagtamo si Acaba ng scratch sa cue ball sa kanyang break, na nagbigay daan sa current World No. 1 Orcollo na maubos ang bola.

“I got lucky he scratched in the final rack. I was struggling the whole game, and was lucky to pull this one off,” sabi ni  Orcollo, pambato ni sportsman/businessman Ceferino “Perry” Mariano.

Strong contender sa World Pool Association Player of the Year award, si Orcollo na dehado sa, 3-5, nakopo ang four of the next five racks tungo sa driver’s seat, 7-6.

Pero isang dry break sa 14th rack ang naging daan kay Acaba na makapuwersa sa 7-all, subalit kinapos sa 15th rack ng magtamo ng scratch sa kanyang break.

Baligtad naman ang naganap kay Renemar “Revo” David,  former national junior standout, na nakapagtala ng pinakamalaking upset win kay former World 9-ball runner-up Roberto “Pinoy Superman” Gomez, 8-7, habang namayagpag naman si Jeffrey de Luna, perennial contender at strongest powerbreaker sa pool ng talunin si Mario Tolentino, 8-3, para manatili sa winner’s bracket tungo sa winning streak na tatlo.

Ang iba pang may perfect record ay sina Johann Chua, Ricky Zerna, OFW Allan Cuartero at Rene Cruz.

Pinigil ni Chua sa isang 8-7 decision si Ramon Mistica.

Lusot naman si Zerna kay Oliver Villafuerte sa isa pang hill-hill encounter, 8-7.

Panalo si Cruz kay comebacking Leonardo Andam, 8-5, para makumpleto ang listahan sa winner’s bracket ng event na tampok ang 47 participants.

Ang dalawa pang notable player ay nakapagtamo ng early exit door, ito’y sina reigning national junior champion Jonas Magpantay at veteran campaigner Ramil Gallego.

Napunta sa loser’s bracket at napatalsik si Magpantay ni Anjo Huelgas, 4-8, habang yuko si Gallego kay Reggie Geronimo, 7-8.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply