Orcollo sumampa sa Final Four

PASOK na nina Dennis “Robocop” Orcollo at Allan Cuartero ang dalawang upuan sa Final Four ng 8-ball tournament ng nagaganap na BSCP National Championships sa Star Billiards Center Quezon Cio kagabi,(Oktubre 4).

Muling nakalusot sa panganib si reigning World 8-Ball champion, Orcollo – una kay veteran campaigner Edgar Acaba, (8-7) sa unang laro at sa pangalawang laro ay kay Ricky Zerna, (8-7).

Angat si Zerna ng 7-5 sa kanilang race-to-8 alternate break format subalit hindi nito nakumpleto ang upset matapos itong mag dry break sa 13th rack dahilan upang ubusin ni Orcollo ang bola.

Sa 14th frame ay nag-run out ulit si Orcullo upang makapuwersa ng hill-hill game.

Nagkaroon muli ng tsansa si Zerna na manalo sa 15th rack dahil siya ang sasargo subalit nag-dry break ito kaya naman hindi na sinayang ni Orcollo ang pagkakataon at tumuloy na sa Final Four.

“I had a lot of dry breaks in this match,” wika ni Orcollo. “I couldn’t establish my game. Good thing he (Zerna) had dry breaks in his last two tries.”

Samantala, kay Cuartero natupad ang upset game matapos nitong ilaglag si rising star Carlo Biado sa losers’ bracket.

Si Cuartero na nakabase sa Kuwait kung saan nagtatrabaho bilang house pro ay naghahabol kay Biado, (3-6) matapos ang ika-siyam na rack.

Hindi nawalan ng pag-asa si Cuartero at komonekta ito ng limang panalo upang talunin ang semifinalist sa nakaraang WPA World Ten Ball Championship na ginanap dito sa Manila.

“It was a difficult win, but I never gave up,” ani Cuartero. “I made key adjustments. 8-Ball is not my favorite event, but I was able to make some adjustments in my game.”

Makikipag sapalaran sina Biado, Zerna, Marvin Tapia, Johann Chua, Rene Cruz and Jerico Banares sa losers’ side upang pag-agawan ang dalawang natitirang slot sa F4.

Ang 9-day competition (Oct 3-11) ay mahahati sa tatlong events sa men’s championship: 8-Ball (Oct 3-5), 9-Ball (Oct. 6-8), at 10-Ball (Oct. 9-11).

Habang ang Women’s division ay 10-Ball (Oct. 6-8) lang ang paglalabanan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply