P.2-M alahas natangay, stude sugatan sa akyat-bahay

SUGATAN ang isang 19-anyos na estudyante ng Technological University of the Philippines (TIP) nang pagsasaksakin ng isang hinihinalang miyembro ng akyat-bahay na tumangay sa tinatayang P200,000.00-halaga ng alahas sa bahay ng kanyang lola sa Paco, Maynila kahapon (Oktubre 6).

Kasalukuyan ngayon ginagamot sa Medical Center Manila ang biktimang si Aladin Gelera, binata, ng P and R Mansion,  515 Quirino Ave., Paco, Maynila sanhi ng saksak sa tiyan.

Tinutugis naman ang tumakas na suspek.

Sa report ni Supt. Ricardo Layug, Hepe ng Manila Police District (MPD)-Station 5, dakong 12:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima.

Naglilinis umano ng electric fan ang biktima sa loob ng kanilang comfort room nang nakarinig ito ng kalabog sa kuwarto ng kanyang lola na si Adoracion De Chavez, 63, balo at isang retiradong guro kaya pinuntahan niya ito.

Magulo ang kwarto ng kanyag lola. Nang makita ang case ng salamin ng lola ay dinampot ito ni Aladin nang biglang lumabas mula sa pinagtataguan ang suspek at walang sabi-sabing pinagsasaksak siya sa tiyan. tinakpan din ng suspek ng basang panyolito ang bibig ng biktima na nawalan ng malay.

Ayon naman kay Miguel De Chavez, tiyuhin ni Aladin, nadatnan nito ang huli na nakahiga at sa inaakalang nakatulog lamang ito ay tinangka nitong gisingin subalit napansin na nakatali ng packaging tape ang kanyang kamay.

Napansin din ni Miguel na makalat sa kuwarto kaya ipinagbigay-alam niya sa security guard ng mansion ang nakita at isinugod si Aladin sa ospital.

Kinumpirma naman ni Lola Adoracion na nawaala ang kanyang alahas kabilang ang gintong hikaw, bracelet, kuwintas, relos, digital camera at isang 9mm Beretta na pag-aari ng kanyang asawa.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply