P 72-B stimulus package maliit ang epekto sa ekonomiya

IPINAHAYAG ngayon ng Singapore Based Financial Service Group (SBFSG) na walang masyadong epekto ang P72 billion na stimulus package para mapaangat ang ekonomiya ng bansa ngayong taon.

Naniniwala ang isang grupo na maliit lamang ang epekto sa paglago ng ekonomiya ng P72 billion stimulus package.

Ayon sa naturang grupo, maaaring mas mababa pa sa target na 4.8 percent ang economic growth na maiposte ng bansa sa taong ito.

Ayon sa Department of Budget and Management, mula sa P72 billion stimulus package ay P5.5 bilyon ang gagamitin sa infrastructure para sa mga nasira ng nagdaang bagyo habang ang P13 billion ay laan sa LGU, P11 billlion  sa pabahay, relocation at resettlement.

Kinumpirma ng Malacañang na “approved in principle” ni Pangulong Noynoy Aquino ang multi-billion peso stimulus package sa 2012 para mapaangat ang ekonomiya.

Sinabi ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office head Sec. Ricky Carandang, patuloy pa nilang pinaplantsa ang nasabing stimulus package.

Ayon kay Carandang, tugon ito ng gobyerno sa lumalalang problema sa global economy at apektado rito ang Pilipinas.

Sa panig naman ni Budget Sec. Butch Abad, manggagaling ang pondo sa windfall dividends ng DOTC savings mula sa 2010 budget at ilang fund realignment ng mga ahensya ng gobyerno. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply