P1.1-B dagdag na budget tinanggap ng Tesda

TUMANGGAP ng P1.1 bilyon stimulus ang Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) upang magsanay pa ng maraming kuwalipikadong manggagawa sa industriya ng business process outsourcing (BPO) at iba pang sektor.

Ayon kay Tesda director general Joel Villanueva, inanunsyo ni Pangulong Benigo Aquino ang dagdag na alokasyon ngayong linggo upang palawigin ang manggagawa ng bansa sa BPO, turismo, agribusiness, construction at semi-conductor firms.

Ang naturang halaga umano ay karagdagan sa panukalang P2.68 bilyong budget para sa isang taon.

Ang kalahati ng stimulus ay gagamitin upang ayudahan ang pagsasanay ng mga iskolar at mga trainers para sa sektor ng BPO.

Ang inisyal na target ng Tesda ay 70,000 na mga magsasanay at inaasahang 49,000 sa mga ito ang mag-eempleyo sa ibat-ibang kumpanya ng BPO.

Ang natitirang manggagawa ay ilalaan sa mga mag-uusbungang sektor na mangangailangan ng mga kuwalipikadong tauhan.

Ang matitirang kalahati ay gagastusin sa pagsasanay sa ibang sektor tulad ng turismo, agri-business, construction at semi-conductor industry.

Naglalayon ang Tesda na dagdagan ang kapasidad ng ahensya na makapagsanay ng 100,000 mga tao bawat taon. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply