P1.816-T 2012 budget pasado na sa Kamara

PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang General Appropriations Act (GAA) para sa 2012 na P1.816 trilyon.

Sa botong 198 na pumabor, 26 ang tumutol at isa ang abstention ay ipinasa ng mga kongresista ang GAA.

Kasama sa tumutol o bomoto ng “no” ay ang oposisyon at ang pitong kongresista na kabilang sa Makabayan Bloc.

Sa abstensyon ay tanging si Navotas Rep. Toby Tiangco ang tumayo at sinabing siya ay may reserbasyon sa 2012 GAA.

Sa panayam kay Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino ay sinabi niyang kahit nadagdagan ang alokasyon para sa state universities and colleges (SUCs) ng P200 milyon ay hindi pa rin siya pabor sa GAA.

Ngunit ang dagdag na P200 milyon ay para lamang sa University of the Philippines (Manila).

Taliwas sa inaasahan, hindi man lamang inabot ng 30 minuto ang pagsalang sa 2012 budget para sa third reading kumpara sa mga nagdaan na inaabot ng madaling-araw ang mga kongresista para sa deliberasyon ng budget.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply