P1.816T 2012 budget, ilalatag na sa plenaryo

ILALATAG na ng Senate committee on finance ang P1.816 trilyong pambansang badyet para sa 2012 matapos makumpleto ang deliberasyon sa bawat pondong inilaan sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan, ayon kay Sen. Franklin Drilon.

Sa pahayag, sinabi ni Drilon na tinapos ng komite ang deliberasyon sa individual budget ng pambansang ahensiya ng pamahalaan kaya malapit nang maaprubahan ang gastusin sa susunod na taon.

Idinagdag pa ni Drilon na naisumite na ng Mababang Kapulungan ang panukalang badyet sa Senado nitong Miyerkoles, at naibigay na ito sa komite ng mambabatas.

Aniya, nakatakdang rebyuhin ng komite ang binagong probisyon ng Mababang Kapulungan siyang isiningit sa pambansang gastusin.

Makukumpleto naman ang debate sa plenaryo sa Nobyembre 22 na petsa upang pagsanibin ang inaprubahang bersiyon sa ikalawa at ikatlong pagbasa.

Dahil dito, tiniyak ni Drilon na maaprubahan ng Kongreso ang gastusin ng pambansang pamahalaan bago simulan ang holiday break sa Disyembre 17.

Ayon kay Drilon, tumaas ng 10.4% ang pambansang badyet sa susunod na taon kumpara sa kasalukuyang P1.645 trilyon na kumakatawan sa 16.5% ng gross domestic product (GDP) o kabuuang halaga ng produkto at serbisyong nalilikha ng ekonomiya sa itinakdang panahon.

Base sa panukala, pinakamalaking nakakuha ng badyet ang Department of Education  na may P238.8 bilyon, sinundan ng Department of Public Works and Highways, P125.5 bilyon, Department of National Defense, P107.9 billion, Department of Interior and Local Government, P49.4 billion, at Department of Agriculture, P54 billion.

Makakakuha naman ang P49.4 bilyon ang  Department of Social Welfare and Development ; Department of Health, P44.4 billion; Department of Transportation and Communications, P34.6 billion; Department of Agrarian Reform, P18.3 billion; at ang Judiciary, P15.7 billion.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply