P1-M alahas tinira ng ‘dagang dingding’

TINATAYANG aabot sa humigit kumulang P1 milyon halaga ng mga alahas ang nilimas ng mga tinaguriang dagang dingding na naghukay ng lungga na daraan para mapasok ang isang pawnshop kaninang umaga sa La Union.

Base sa report na ipinarating sa Camp Crame ng San Fernando PNP, pinasok ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang BHF Pawnshop na nasa Barangay Biday, San Fernando, La Union.

Sa paunang pagsisiyasat, lumalabas na nadiskubre lamang ang naganap na panloloob bandang alas 8:00 ng umaga kahapon nang pumasok na ang mga empleyado sa nasabing bahay sanglaan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na pinasok umano ng mga magnanakaw ang nasabing pawnshop sa pamamagitan ng paghuhukay ng butas sa ilalim ng lupa kasunod ang pagsira sa sahig nito.

Hindi pa rin umano mabatid ang eksaktong halaga ng nawawalang alahas ngunit sinasabing aabot ang halaga ng mga ito sa milyong piso.

Ikalawang beses na ring nangyari ang ganitong paraan ng mga magnanakaw sa isang bangko sa lungsod kung saan ay dumaan din sa ilalim ng lupa ang mga suspek sa pamamagitan ng paghuhukay para magsilbing tunnel.

Patuloy naman ang ginagawang pagsisiyasat ng awtoridad sa naturang pangyayari.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply