P1-M team prize susukbitin ng American Vinyl

MAGPAPARTIHAN na ang mga miyembro ng American Vinyl team sa P1-million team prize habnag mambabalato naman si Santy Barnachea sa mga ka-teammates sa East Pangasinan team sa pagsasara ng final stage ng 12-lap 2011 LB Ronda Pilipinas.

Tiyak na ng American Vinyl ang top-team prize kasunod ng nabigong paghahabol ng 7-Eleven riders na sumikat ang tatlo nilang siklista na sina Mark John Lexer Galedo, team captain Lloyd Lucien Reynante at Irish Valenzuela na pumasok sa top four finishers ng Agoo, La Uninon-Baguio stage 8 kahapon (Oktubre 7).

Magpapa-easy-easy na lang si red jersey holder Barnachea na abante ng anim na minuto sa kasunod ng pumapangalawang siklista at ang susuuingin na magandang lansangan ng final stage na mula sa Angeles City via North Luzon Expressway na hindi banta sa pagwawagi niya sa torneyo.

Ang top ten sa standings ay binubuo nina Barnachea,  Calderon ng Nueva Ecija, George Oconer ng PHL under 23, March MacQuinn, Ale Onar ng Cycleline Extreme-Butuan City, Reynante ng 7-Eleven, Baler Ravina ng East Pangasinan, Chris Joven ng American Vinyl, Tomas Martinez ng Tarlac team, Rudy Roque ng American Vinyl at Frederick Feliciano ng National Capital Region.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply