P100-M high-end laptops nasabat ng BOC

NAKUMPISKA ngayon ng Bureau of Customs ang halos 4,000 yunit ng laptop computer na tinatayang aabot ang halaga sa P100 milyon sa Port of Manila matapos na ipag-utos ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ang pagsamsam dito.

Ayon sa komisyuner, ang 3,915 units ng Asus-brand laptop computers mula sa China ay nakasiksik sa dalawang container van at idineklara ng consignee nito na Orza Marketing, na mga bahagi lamang ito ng computers.

Sa ulat ni Deputy Commissioner for Enforcement Group Horacio Suansing Jr., bunsod ng misdeclaration at gross undervauation ng naturang kargamento malinaw na nilabag ang Section 2530 ng Tariff and Customs Code of the Philippines, kung kaya isinagawa ang operasyon.

Nagbabala muli ang bagong komisyuner laban sa mga nagnanais na subukan ang bagong pamunuan ng BOC at magpatuloy sa mga iligal na gawain sa kanilang mga transaksiyon sa pamahalaan.

Sinabi din ni Suansing na ang operation group at enforcement group ng BOC ay hawak-kamay na susuportahan ang intelligence at logistics sa lahat ng operating units ng BOC.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply