P1K dagdag sa pensiyon ng mga beterano

DAGDAG na P1,000 sa buwanang pensyon ng lahat ng Filipino war veterans bilang extra assistance sa kanila.

Ito ang nilalaman ng House Bill 5296 ni Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla na kanyang isinulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na naglalayong magbigay ng karagdagang tulong sa mga beterano dahil na rin sa tumataas na bayarin sa gamot, ospital at mga doktor, mahirap umano para sa mga beterano na makapagpagamot ng kanilang mga karamdaman.

Pahina na nang pahina ang kondisyon ng mga beterano dahil sa katandaan kaya natural lamang na nagiging sakitin na sila o kaya ay nagkakaroon ng injuries.

Karamihan din aniya sa mga beterano na nagsilbi sa dalawang digmaan pandaigdigan ay patay na kaya tiyak ding mahihina na ang kondisyon ng mga nabubuhay pa kaya naman dapat lamang na bigyan ng sapat na benipisyo.

“With their declining health conditions due to ageing, they are naturally vulnerable to illnesses and injuries
and therefore, it is imperative to upgrade their pension

so they can meet the increasing medical and health care expenses,” ani Mercado-Revilla.

Batay sa panukala, makikinabang sa karagdagang pensyon ang lahat ng mga nabubuhay pang beterano.

Kung patay na ang  beterano ay maaaring tatanggapin ito ng kanyang nabubuhay na asawa o kaya ang panganay na anak.

Kukunin naman ang pondo para sa naturang programa sa pondo ng Department of National Defense (DND).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply