P10M gastos ng State U sa illegal connections nabuking

NABUNYAG kahapon sa pagdinig ng Senado sa mga panukalang budget ng state universities and colleges (SUCs) na may isang state university sa Mindanao ang gumagastos ng P10 milyon kada taon sa illegal connection ng kuryente ng mahigit isang daang kabahayan.

Sa pagtatanong ni Sen. Loren Legarda sa hearing ng sub-committee “B” ng committee on finance, binunyag ni Mindanao State University (MSU) president Dr. Macapado Muslim na nagpakasasa sa paggamit ng kuryente ang mahigit 100 kabahayan na nasa loob ng MSU main campus sa Marawi City.

“Ang masaklap nito, hindi naman sila connected sa MSU,” paglalahad ni Muslim.

Aniya, umaabot sa P27 milyon kada taon ang gastos sa kuryente ng campus dahil sa illegal connections kung kaya noong 2010 nang maupo siyang presidente ng MSU ay pinatanggal niya ang mga ito.

“We implemented a very risky cost cutting intervention package. Pinaka-risky dito including security yung ginawa ko in disconnecting private houses whose connections are tapped to the lines of the university,” paglalahad ni Muslim.

“From P29 million we paid to national power, P29 million in 2007 na-reduced ko yan ngayon to only P17 million,” dagdag pa nito na kinatuwa naman ni Legarda.

Nangangamba naman si Muslim sa kanyang seguridad dahil sa marami umano ang nagalit sa kanya dahil sa pagtanggal ng koneksyon ng kanilang kuryente sa main campus.

Bukod sa MSU main campus sa Marawi City, mayroon din silang campus sa Iligan City; Naawan, Misamis Oriental; General Santos City; Maguindanao; Jolo, Sulu; at Bongao, Tawi-tawi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply