P13M nalikom sa ‘diskuwento caravan’ ilalaan sa typhoon victims

AABOT sa P13 milyon ang nalikom ng Department of Trade and Industry (DTI) makaraang isagawa ang 81% na diskuwento caravan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ayon kay Undersecretary Zenaida Maglaya.

Aniya, ibibigay ang nalikom na pondo sa mga sinalanta ng magkasunod na bagyong Pedring at Quiel.

Napag–alaman pa na sa 26% pang diskuwento caravan ang ilulunsad ng DTI hanggang sa buwan ng Disyembre.

Samantala, ainabi ni Maglaya, na may mga negosyante nang iniimbestigahan na umano ay nagsamantala sa presyo ng paninda noong kasagsagan ng bagyong Pedring at Quiel.

Aniya, agad nilang kakasuhan ng economic sabotage ang mga abusadong negosyante na mapatutunayang nag-over priced sa mga basic commodity.

Timiyak rin ni Maglaya, na bagama’t nagdaan na ang mga bagyo, patuloy pa rin nilang babantayan ang presyo ng mga pangunahing bilihin para masigurong hindi naabuso ang mamimili.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply