P2.6-B separation package sa empleyadong natanggal ilalabas na ng PAL

SISIMULAN na ngayong araw ng Philippine Ailines ang pagpapalabas ng P2.6 bilyon separation package para sa kanilang mga empleyadong natanggal sa serbisyo sa kanilang tatlong unit.
Ayon sa PAL human resources department, ang unang bugsong makatatanggap ng package ay mga empleyadong hindi sumama noong Setyembre 27 wild strike na kasalukuyang nagta-trabaho sa service provider ng flag carrier.

Ang sususnod ay mga empleyadong bagama’t tinanggihan ang bagong trabahong ipinagkaloob ay hindi naman sumamasa work stoppage.

Ayon kay Cielo Villaluna, spokes person ng PAL, pagkakalooban ng prayoridad ng PAL management ang mga empleyadong pumansin sa apela ng PAL para sa maayos at mapayapang spin off/outsourcing program.

Pinasalamatan din sila ng PAL sa kanilang dedikasyon at katapatan upang igalang at makipagtulungan noong panahaon ng transition.

Karamihan sa mga sinibak na mga empleyado ay tatanggap ng separation pay na P800,000 kabilang ang 125% ng kanilang ang monthly salary para sa bawat taong pinaserbisyuhan, P100,000 na gratuity pay at 100% converted to cash vecation at sickleave.

Tiniyak din ng PAL ang guaranteed salary at hospitalization benefits para sa isang taon sa empleyadong nailipat sa service provider. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply