P20.2-M smuggled goods nasabat ng BOC

TINATAYANG 11 container na naglalaman ng P20.2 milyong halaga ng smuggled goods ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Manila.

Ayon kay Customs Commisioner Ruffy Biazon, sabit umano sa asunto si Christina McCain makaraang magtangkang ipuslit ang illegal na isang 40-foot container na naglalaman ng Hummer, Cadillac, at isang motorsiklong may kabuuang halagang P12 milyon.

Huli rin ang importasyon ng trading company na Japan Home Incorporated matapos masabat ang 40-foot container na may kargang 1,834 na kahon ng cosmetics na nagkakahalaga ng P2.1 milyon.

Samantala, hindi rin nakalusot ang siyam na 40-footer containers na naglalaman ng green peas, sapatos, bag at hardware na nagkakahalaga naman nang P6.1 milyon na tinangkang ipasok ng RMG Trading 99.

Pahayag ni Biazon, pawang may kahina-hinalang dokumento at deklarasyon ang mga naturang importasyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply