P23-M natupok ng apoy sa PMI

TINATAYANG aabot sa  P23 milyon ang natupok ng apoy nang sumiklab ang sunog sa Philippine Maritime Institute (PMI) Colleges sa Sta.Crz,Maynila kagabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection,dakong alas 10:00  kagabi nang magsinula ang sunog sa mezzanine floor ng eskuwelahan sa may 2ndfloor  kung saan  mabilis itong kumalat hanggang uma sa ika-apat na palapag  dahil ang sahig ,dingsding at kisame ng paaralan ay gawa lamang sa kahoy.

Sa kasagsagan ng sunog, nagsuguran naman ang mga estudyante sa PMI  dahil sa pangambang  maging ang kanilang mga school record ay natupok na rin ng apoy.

Tiniyak naman ng pamunuan ng PMI na hindi naabo ang kanilang mga records  ngunit nabasa lamang ito.

Idineklarang fire out  ang sunog ganap na alas 11:00  kagabi. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply