P26.8-M pekeng Louis Vuitton nasabat ng NBI

KINUMPISLKA ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga pekeng Louis Vuitton na produkto na umabot sa halagang P26.8 milyon sa ilang stalls ng 168 mall sa Maynila.

Kasama sa mga nasabat ay ang mga pekeng wallet at bag ng nasabing brand.

Ang pagkakakumpiska ay kasunod ng reklamo ng representante ng Louis Vuitton sa Pilipinas.

Nagsagawa muna ng test-buy at nabatid na peke nga ang mga sample ng bag at wallet ng Louis Vuitton na ibinebenta ng mga stall.

Inaalam na kung sino ang tunay na may-ari ng mga stall na nagbebenta ng mga pekeng produkto

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply