P31M sa ABB, ‘basta ‘di cash’ ayos kay Kiko

PABOR si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na bigyan ng P 31 milyon ang mga komunidad na kontrolado ng grupong Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawang Pilipinas-Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB) basta’t hindi ito ‘cash’.

Ayon kay Pangilinan, chairman ng Senate committee on social justice, welfare and rural development, mas makabubuting proyekto ang ibigay ng gobyerno sa naturang rebel group kaysa bigyan sila ng cash, tulad ng ginawa sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

“Dapat proyekto tulad ng mga kalye o health center o eskuwelahan o proyektong pang-agrikultura tulad ng patubig at hindi pondo o cash ang pabuya o tulong na binibigay ng gobyerno sa mga rebelde para sa usaping pangkapayapaan,”ani Pangilinan.

Ipinagtanggol na ni presidential adviser on the peace process Teresita “Ging” Deles ang planong pagbibigay ng pondo sa RPMP-RPA-ABB dahil nakapaloob na umano ito sa Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) program ni Pangulong Benigno Aquino III.

Minsan nang kinuwestiyon ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang pagbibigay ng pondo sa mga rebel group dahil mas bumabango umano ng mga rebel group sa pamayanan na kanilang kontrolado.

Aniya, ang gobyerno dapat ang nagpapatupad ng mga proyektong ito upang sa gayon ay nasa gobyerno ang simpatiya ng mga tao, at hindi sa mga rebelde.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply