P400-M pambili ng napinsalang palay aprubado na

KINUMPIRMA ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na inaprubahan na ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang paglalabas ng P400 milyon pondong gagamitin ng National Food Authority (NFA) sa pagbili ng mga nasirang palay na dulot sa pananalasa ng bagyong “Pedring” at “Quiel.”

Ani Alcala, ginawa ito ng Pangulo habang pinag-uusapan nila sa isang closed-door meeting ang pinsalang iniwan ng nagdaang kalamidad.

Ayon kay Alcala, tiyak na ire-reject ng mga negosyante ang mga nabasang palay kaya sila na lamang ang bibili.

Ang pondo ay manggagaling sa Office of the President (OP).

“With these, our farmers will still be able to sell their storm-damaged palay which might be rejected by private buyers,” ani Alcala.

Ang mga napinsalang palay ay maaari umanong bilhin ng NFA sa halagang P14 kada kilo.

Magugunitang umabot sa bilyong halaga ng agricultural products ang winasak ng magkasunod na bagyo kasama ang palayan. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply