P44.4-M smuggled onions nasabat ng BOC

NASABAT kaninang umaga ng Bureau of Customs (BOC) ang mga inismagel na sibuyas na nagkakahalaga ng P44.4 milyon sa bodega sa ICR Compound, Canumay East Valenzuela City.

Ayon kay Customs Deputy Commissioner for Intelligence Danilo D. Lim, isinagawa ang pagsalakay ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa mga kargamento na nakapangalan sa Royal Halo Enterproses sa Madrigal Building sa Binondo, Maynila.

Dakong alas-9:30 ng umaga nang salakayin ang bodega ng Steel World sa ICR compound na pag-aari ni Lam Tai Tin sa Canumay East Valenzuela City.

Idineklara umanong plastic cups at plastic wares ang mga kargamento na nakalagay sa sampung 40-footer container van mula China at inilabas sa Manila International Container Port sa pamamagitan ng pagbabayad lamang ng P70,000 hanggang P140,000 bawat container van.

Ayon kay Lim, halagang P18 milyon ang mawawala sa gobyerno sa nasabing inismagel na sibuyas kung nagtagumpay ang mga sangkot sa katiwalian.

Dagdag pa ni Lim, ang pagsalakay ay inaprubahan ni Commissioner Ruffy Biazon matapos ang pag-aaral ng BOC lawyers kaugnay sa paglabag sa tariff and Customs Code of the Philippines  (TCCP) at iba pang kaugnay na batas.

“It is very evident that there is serious malice to defraud the government of taxes and insult TCCP arrogantly in this incident, thus, all culprits in this case have to be brought to justice,” ayon pa kay Lim.

Nabatid na Ang Steel World ay inuupahang bodega ng mga sibuyas ng isang nagngangalang Allan Lim, may-ari ng MKK Enterprise at may office address sa 1071-D Carmen Planas Street, Tondo, Maynila .

Sasampahan naman ng kaukulang kaso ang mga consignee, broker at BOC employees na sangkot sa onion smuggling.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply