P5.7-M kontrabando nabuko sa x-ray inspection ng BOC

NABUKO ang may P5.7 milyong halaga ng kalakal sa ikinasang x-ray inspection ng Bureau of Customs (BOC) bago pa man mailabas sa Manila International Container Port (MICP).

Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, nasabat ang tatlong high-end na motorsiklo kabilang ang isang Harley Davidson, mahigit 1,300 pares ng pekeng Adidas na sapatos, mga gulong, dalawang bagong fork lift at mga piyesa ng motorsiklo.

Nakita ang mga kargamento matapos isailalim sa x-ray inspection ang mga container sa nasabing pier.

Iniimbestigahan na ang mga forwarding company na TLX International, Cogtong Fast Cargo at Adec Cargo na naglalabas ng mga kargamento mula sa container port nang hindi nagbabayad ng tamang buwis.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply