P5 bayad ni GMA bawat boto vs FPJ

INAMIN ng dalawang hukom ng Shari’a Court sa Senado na magbabayad si dating Pangulo, ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo   kay dating Comelec regional director Lintang Bedol ng limang piso kada botong lamang kay Fernando Poe Jr., noong 2004 presidential elections.

Sa magkakahiwalay na testimonya sa konite, kinumpirma ni dating Shari’a Judge Casan-Ali Limbona  ang naunang testimonya ni Atty. Nagamura Moner na ginamit ni Arroyo ang “expertise” ni Bedol upang manipulahin ang resulta ng halalan noon sa Sultan Kudarat.

“I affirmed the statement of Judge Moner, to talk to Lintang Bedol, and I went to Koronadal, I talked to him (Bedol) the offer made by Judge Moner, to pay him P5 for every vote lead of GMA against FPJ in Sultan Kudarat,” ayon kay Limbona.

“We did not discuss what would be done, we would just look at the final numbers for the P5 per lead payment to Bedol,”dagdag ni Limbona na tumutukoy kay Moner.

Sinabi ni Bedol na sumang-ayon ito “in principle” sa kanilang pulong sa loob ng Marabella Plaza sa Korondal City sa Sultan Kudarat.

“He (Bedol) agreed in principle, knowing also Bedol, I know Bedol as a good man, but it was happened but he was forced by the situation,” ayon kay Llimbona.

Sinabi pa ni Limbona na tanging pakikipag-usap lamang kay Bedol ang kanyang partisipasyon sa naganap na dayaan at pag-usapan ang alok sa kanya ni Arroyo.

Aniya, nagwagi si Arroyo ng mahigit 80,000 boto kalamangan sa Sultan Kudarat.

Hindi rin siya kalahok sa pagbabayad ng tig-lilimang piso kada botong kalamangan kay FPJ.

“I did not participated in paying Bedol for what he had done for the Arroyo,” patapos niya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply