P500,000 pabuya sa makapagtuturo sa pumatay kay Ram Revilla

MAGBIBIGAY ng kalahating milyon piso si Senado Ramon “Bong” Revilla sa sinumang makakapagturo sa pumatay sa kanyang kapatid na si Ram Revilla.

Kasabay nito, nananawagan din ang senador sa Philippine National Police partikular sa Paranaque Police na gawin ang lahat ng paraan upang mahuli ang mga salarin na walang awang pinagsasaksak at pinagbabaril si Ram.

Mariin ding kinondena ni Revilla ang naganap na insidente na kung ano naman ang motibo nito ay hindi na dapat kailangang umabot sa pagpatay.

“Wala siyang galit kahit kanino.  Tumutulong pa nga siya sa iba sa pamamagitan ng paglahok sa mga charitable works. Sa batang edad niya na puno ng pangarap, sa isang iglap naglaho ang lahat,” anang senador.

Kaya’t umaasa ang senador sa PNP na makakamit ng kanyang kapatid ang hustisya sa lalong madaling panahon.

“Hindi dapat itong madagdag sa mga unsolved cases sa bansa. Lalo lang magiging mapangahas ang mga kriminal kung ang mga insidenteng gaya nito ay hindi agad malulutas,” giit ni Revilla. Vicky Cervales

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply