P6.3-B pondo sa LRT, MRT aprub na

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino ang pagpapalabas ng P6. 3 bilyong para sa upgrade at rehabilitasyon ng LRT at MRT.

Ayon kay Budget Secretary Butch Abad, gagamitin ang nabanggit na halaga sa major rehabilitation sa LRT Line 1 at 2 at pagbili sa 26 na karagdagang wagon sa MRT.

Inihayag ni Abad na P4. 7 bilyong ay gagamitin sa pagbili ng bagong coaches habang ang P1. 87 bilyon ay laan sa rehabilitasyon.

Sinabi ng kalihim na ngayon ang unang pagkakataon na isa-subsidize ng gobyerno ang upgrade at rehabilitasyon ng MRT at LRT.

Ang nabanggit na proyekto ay bahagi ng P72 billion stimulus package na inaprubahan ng Presidente para sa huling bahagi ngayong taon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply