P72B pondo ni PNoy ibuhos sa mga nabagyo

SABI ni PNoy, magbubuhos ang pamahalaan ng pondo bilang pampalago umano ng ekonomiya ng repablik ni Juan para sa nalalabing tatlong buwan ng taong ito.

Hindi kasi umangat ang ekonomiya dahil sa hindi nito paggasta ng buwis ni Juan.

Naganap ito dahil sa kanyang takot na baka mapunta lang umano sa mga korap
ang pondo.

Pero dahil sa sobrang pag-iingat sa buwis ng mamamayan, walang gaanong nagawang kalsada, iskul, pier, tulay, ospital at marami pang ibang pagawaing bayan.

At ngayon nga ay magbibitiw na umano si PNoy ng salapi.

Aba dapat lang dahil ang buwis ni Juan ay dapat na gastahin at hindi ikandado sa baul ni PNoy.

oOo

Tutal, nakapagbitiw na ng salita si PNoy, antayin natin kung ano ang susunod.

Pero heto ang adbays natin sa kanya.

Kung magkakaroon ng mga pagawaing bayan, dapat malaking bulto ang ilaan sa
mga lugar na nasalanta ng mga nagdaang bagyo at baha.

Ang mga mamamayan sa nasabing lugar ang dapat na kuning mga manggagawa upang magkaroon sila ng hanapbuhay.

Sinasabi natin ito, Suki, dahil sa madalas na may mga sariling tauhan ang mga kontraktor sa pagsasagawa ng kanilang mga proyekto.

At kadalasan pang halos pawang mga makina ang ginagamit at kakaunti lamang
ang obrero.

oOo

Sa mga pagawaing bayan, sinasabing aabot sa 20-30% ng kabuuan ng pondo ang pasahod.

Kung mangyayari ito sa mga lugar ng kalamidad, may kakalat na salapi sa mga komunidad na pupuwedeng umikot na pampasigla ng buhay at kabuhayan ng mga  mamamayan.

Ang masama, eh, kung sa Metro Manila lang ibubuhos ang pondo at maiiwanang walang-wala ang mga nasa gitna ng kalamidad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply