P72B stimulus package, inihayag ni PNoy

INIHAYAG ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino sa harap ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) ang paglalaan ng P72B stimulus package na gagamitin sa iba’t-ibang proyekto ng bansa.

“The global economy has undergone a bit of a slowdown recently and there is a question of how this might impact the economy… This slowdown is making some impact on the region, including the Philippines. I have authorized additional expenditures of more than P72 billion between now and the end of the year. This spending would provide added stimulus for our economy,” ayon sa pangulo.

Nakapaloob sa stimulus package ang P6.5B suporta sa mga Local Government Units (LGUs); P10B para sa resettlement ng mga informal settlers; P5.5B para pagpapaayos ng mga lansangan sa pamamagitan ng DPWH; P6.36B para sa pagpapaganda sa MRT at LRT; at iba pang mahahalagang proyekto ng pamahalaan.

“The criteria we used to choose these projects were simple, the funds will be spent on projects that will have high macro-economic impact and will help the poor,” dagdag pa ni Pangulong Aquino.

Sinabi rin ng pangulo na hindi uutang ang bansa para pondohan ang naturang stimulus package bagkus ay kukunin umano ito sa savings ng gobyerno.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply