PA: Peace talks sa Basilan ‘di na dapat ituloy

INAMIN ng Philippine Army na mababa ang morale ngayon ng mga sundalo bunga ng nangyaring engkwentro sa Basilan kung saan 19 na sundalo na pawang miyembro ng elite group ng Special Forces ng Philippine Army ang napatay.

Muli namang iginiit ni Philippine Army spokesman Col. Antonio Parlade, Jr. na lehitimo ang Basilan military operation.

Sinabi rin si Parlade na naniniwala siyang hindi na dapat pang ipagpatuloy ang peace talks partikular sa Basilan.

Hindi umano sang-ayon ang Philippine Army sa pahayag ni Presidential Adviser on The Peace Process Teresita Deles na isolated case lamang umano ang nangyaring engkwentro sa Basilan nitong Martes (Oktubre 18).

Sinabi ng Philippine Army spokesman na makailang ulit na itong nangyari kaya hindi tama na sabihing isolated case lamang ang naganap na engkwento sa nabanggit na lugar.

Sa nabanggit na  insidente, umaabot sa 19 ang bilang ng mga namatay na sundalo habang 12 ang nasugatan matapos makasagupa ang pwersa ng Abu Sayyaf Group at lost command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Al-Barka, Basilan.

Sinabi din ni Parlade na kung tutuusin, ang target ng Basilan military operation ay ang mga Abu Sayyaf at mga pugante ng MILF na nakatakas sa kulungan.

Nagtataka umano sila kung bakit nakisawsaw ang iba pang miyembro ng MILF sa bakbakan na nagresulta sa pagkamatay ng 19 na sundalo.

Dahil dito’y sasampahan ng kasong murder ng Armed Forces of the Philippines ang MILF kasunod nang nangyaring sagupaan.

Mismong si AFP Western Mindanao Command Chief Lt. General Raymundo Ferrer ang nagsabing plano nilang sampahan ng murder charges ang mga involved sa naganap na engkwentro sa Basilan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply