Pababa na nang pababa ang ratings ng GMA 7

KUNG totoo yan, pwede kayang i-attribute ang pagdausdos ng rating ng Siyete sa boy- kot diumano ng mga miyembro ng kongregasyon ni Bro. Eli Soriano na nagsimula pa nung Agosto 2009?

Si Bro. Eli ay ang “televangelist” (television evangelist) na presiding minister ng Members of the Church of God International na sumikat sa TV program n’yang Ang Dating Daan sa IBC. Uncle siya ng big boss ng UNTV 37 na si Daniel Razon na ngayon lang namin napag-alaman na siya palang presiding vice minister ng kongregasyon ni Bro.Eli.

For a long long time ay inakala namin na ordinaryong miyembro lang ang napakabait na broadcaster at educator (dati tiyang propesor ng Journalism at Mass Communication sa Centro Escolar University). Dati ring talent ng GMA 7 si Daniel, at kasama siya noom sa Unang Hirit. Umalis siya (o pinaalis?) sa GMA 7 nu’ng 2005 nang siya ay pinapili between his membership in Bro. Eli’s congregation and his GMA 7 employment as a talent.
Nung panahon na yon kasi ay nagbabanta ang mga kasapi sa Iglesia ni Kristo (INK) na iboboykot nila ang GMA 7 pag di inalis si Daniel na alam nilang miyembro ng kongregasyon ni Bro. Eli.

Parang napadiskitahan lang ng INK si Daniel dahil may program sila sa GMA 7, ang Pasugo. On-camera ay wala namang sinasabi si Daniel laban sa INK–di gaya ng tiyuhin n’ya na laging binabatikos sa Ang Dating Daan ang diumano’y mga kamalian sa doktrina ng INK.

Pero walang kinalaman kay Daniel (na mas kilala na ngayon bilang Kuya Daniel o Kuya Dan) ang pagboboykot ng sekta sa GMA 7–kundi kay Bro. Eli lang. At ito’y dahil nung Agosto 2009, inungkat ng programang Case Unclosed (na hosted by Arnold Clavio) ang umano’y panggagahasa ni Bro. Eli sa noon ay opisyal ng sekta n’ya na si Dave Veridiano (na umano’y mas kilala sa bansag sa kanya na Puto). Dalawang beses nga raw siyang pinagsamantalahan ni Bro. Eli, eh!

Nung panahong ipinalabas ang episode na yon, nililitis na ang kasong isinampa ni Veridiano laban kay Bro. Eli, kaya kahit nakontak siya ng mga taga-GMA 7 para hingin ang kanyang panig, di n’ya sila pinaunlakan ng interbyu–dahil sa abot ng kanyang kaalaman ay labag sa batas ang magkomento sa isang kasong dinidinig na ng hukuman. Ipinarating din n’ya sa Kapuso Network na sub judice ang gagawin nilang pag-ungkat sa kaso. Pero itinuloy pa rin nga ng Kapuso Network ang pagpapalabas ng episode na yon.

Anyway, nung last quarter ba ng 2009 nagsimulang maungusang muli ng ABS-CBN 2 ang GMA 7 sa ratings? Kung ganu’n nga ang nangyari, baka nga ang isang dahilan nu’n ay ang boykot ng sekta ni Bro. Eli.

Pero parang hindi naman nagtuluy-tuloy ang boykot–dahil parang ni-renew na naman nila ito sometime this year. At ang dahilan ay ang muling pagpapalabas sa GMA News (ang dating QTV 11) ng mga interbyu kay Veridiano na inaakusahan si Bro. Eli ng panggagahasa sa kanya. Kung napag-alaman ng mga miyembro ng sekta ang ginawang iyon ng GMA News, that means nanonood sila ng mga palabas ru’n.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply