Pacman ikakasa ng NP sa Senado

IKAKASA ng Nacionalista Party (NP) si Saranggani Rep. Manny “Pacman” Pacquiao bilang senador sa mid-term elections sa 2013, ayon kay Sen. Manny Villar.

Sa panayam ng kanyang Medical Mission Caravan sa Barangay Bambang, Bulacan, Bulacan nitong Sabado, sinabi ni Villar, presidente ng NP, na aprubado sa partido ang anumang balakin ng pambansang kamao sa darating na halalan.

“Kung ano ang gugustuhin niya, susuportahan natin,” ayon kay Villar.

Sinabi pa ni Villar na kung sakaling gustong tumakbo din ni Pacman bilang gobernador ng Saranggani, bibigyan niya rin ng basbas ang kinatawan.

“Sakaling gusto naman niya ang pagtakbo bilang gobernador, susuportahan din natin. Ngayon, kung senado ang pinupuntirya ni Pacman, ipapasok na siya sa official line-up ng partido sa susunod na halalan,” giit pa ni Villar.

Minsan nang sinabi ni Pacquio na gusto niyang tumakbo bilang bise presidente ng bansa sa 2016 election, ngunit bigla itong umurong matapos maipaliwanag na hindi siya kuwalipikado sa posisyon sanhi ng kakakulangan sa age requirement.

Pasok naman ang pambansang kamao sa pagka-senador dahil kuwalipikado ito sa edad na 35 taong gulang na kailangan bilang kandidato bilang mambabatas sa Mataas na Kapulungan. Ernie Reyes

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply