Pacquiao bawal makipag-sex

TAMPOK si Pinoy boxing champion Manny Pacquiao sa November issue ng Playboy magazine kung saan mabubunyag ang lihim niya bago ang aktwal na bakbakan kontra Juan Manuel Marquez.

Habang papalapit ang laban nina Pacquiao at Marquez sa susunod na buwan, marami ang nagtatanong kung anu-ano ang sikreto ng pambansang kamao sa pagpapanatili ng lakas at kundisyon ng katawan nito.

Inamin ni Pacman sa Playboy na hindi siya nakikipagtalik tatlong linggo bago ang laban.

Aniya, gagawin din niya ito sa laban kay Marquez.

Subalit wala na siyang interes na pag-usapan ang laban nila ni Floyd Mayweather Jr.

“When a fighter wins, the couple is usually very happy that night,” ang natatawang sabi ni Freddie Roach.

Ibubunyag din sa naturang magasin ang pagkagumon ni Pacquiao sa sugal gaya na lamang ng sabong, billiard at iba pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply