Pacquiao bugbog sa training

BUGBOG-SARADO sa training si eight-division world champion Manny Pacquiao sa ikalawang araw ng training niya sa Wild Card gym sa Hollywood, California.

Ang pound-for-pound king ay sumalang na rin kamakalawa sa eight-round sparring kasama si trainer Freddie Roach.

Nakapalitan niya ng suntok sina Jorge Linares at regular Wild Card sparmate Ray Beltran.

Walang pahinga si Pacman sa spar sessions kahit ito ay ginagawa niya lamang tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Ang 32-year-old Filipino boxer, ayon sa mga sports fans, ay bumabangis umano sa training at tila walang kapaguran sa paghahanda laban kay Juan Manuel Marquez para sa kanilang laban sa Nov.12.

Maging ang sparmate na si Beltran ay nagsabi na sa unang araw pa lamang ng sparring session ay maganda na ang ipinakita ng Pambansang Kamao.

“It was my best first day of sparring with Manny,” wika ni Beltran na kinumpirma ni publicist Fred Sternberg. “No rust, just speed and power.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply